Nagbitiw man sa UST Growling Tigers bilang head coach, sadyang mabait ang kapalaran kay coach Aldin Ayo. Si Ayo ang kinuhang bagong head coach ng Chocks-to-Go Pilipinas 3X3.
Dahil dito, titimunan niya ang pagsalang ng team sa idaraos na FIBA 3X3 tournaments. Siya rin ang pumalit sa dating coach ng Chocks na si Eric Altamirano.
“I’m very grateful because, for me, this will bring another dimension to my coaching career,” ani Ayo.
“Throughout my coaching career, it was the full-length of the court, but this time will be different. I can’t wait to try out new schemes for half-court.”
Nagwakas ang coaching job ni Ayo sa UST nang masangkot sa kontrobersiya na bubble sa Sorsogon.
Naging dahilan ito ng pagbaklas ng ilang key players ng UST.
Kabilang na rito sina ‘Rookie of the Year’ Mark Nonoy at team captain CJ Cansino. Pinatawan ng ban si Ayo ng UAAP dahil sa paglabag umano sa health protocol .
Gayunman, pinatunayan ng Sorsogon Police na walang nilabag si Ayo sa nasabing polisiya.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!