
ANG love team nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang nakita kong hinahadlangan ng kanilang network para hindi magtuloy-tuloy ang kanilang tambalan. Ang daming hadlang, gayung sure naman ang kita nila sa AlDub love team.
Kahit pa sabihin natin na ibang production sila o company, dapat inalagaan nila ang AlDub love team. Naghirap na pasikatin ng Eat Bulaga ang nasabing love team, pero may parang humahadlang. Kaya nasira ang hatak nito sa madlang pipol, at tumamlay sa publiko.
Drama ba ito? Kung drama ay pangit na istilo dahil hinahatak nila sa pagka-laos sina Alden at Maine. Sigaw nga ng kanilang mga fans na huwag papaglayuin ang dalawa. Dahil hindi raw nakakatulong kina Alden at Maine kung patuloy nilang papaglayuin ang mga ito.
More Stories
RICKY DAVAO, PUMANAW NA SA EDAD NA 63
“PAALAM, SUPERSTAR! Nora Aunor, inilibing na sa Libingan ng mga Bayani”
Barni, anak ni Hajji Alejandro, nagluksa sa Social Media—“I’m gonna miss you forever, Daddywaps”