Tiyak na aabangan ang veteran actor na si Albert Martinez sa susunod niyang role sa TV. Kung nainis ang mga nanonood sa kanya sa ‘Las Hermanas’, tiyak na babawi siya.
Gagampanan kasi ni Albert ang role ni Pro. Hamaguchi o ni Dr. Richard Smith. Ito ay sa Pinoy live adaptation ng ‘Voltez V’: Legacy. Na ngayon nga ay inaabangan na ng maraming fans nito.
Tanong ng mga miron, kailan ipalalabas ang ‘Voltez V’? Kasi, medyo nauumay na sila sa mga palabas sa TV. Pare-pareho na lang kasi. Paulit-ulit ang plot. Agawan ng asawa, awayan ng kabit, sulutan, pa-tweetums. Kaya, iba ang mentalidad ng mga kabataan noon kaysa sa generation 70’s-90’s.
In fairness, bumagay kay Albert ang role ni Dr. Smith. Palagay namin, makababawi ang Kapuso kapag ipinalabas na nila ang Voltez V.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
WILLIE REVILLAME WALA PANG MAISIP NA PLATAPORMA: SAKA NA ‘PAG NANALO NA KO
Vice Ganda may unkabogable na bagong sasakyan?