INAPRUBAHAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbiyahe ng mga UV Express sa Metro Manila at ilang kalapit na probinsiya simula Lunes.
Sa ipinalabas na pahayag ni LTFRB chairman Martin Delgra, sinabi nito na inaprubahan niya na ang guidelines para sa pagpasada ng 980 UV Express sa 47 ruta na hindi na kailangan pa mag-apply ng special permits.
Narito ang listahan ng mga aprubadong ruta para sa UV Express:
- Meycauayan – Central Integrated Terminal (QC)
- Obando – MRT North Ave., QC
- Sto. Niño (Meycauayan Bulacan) – MRT North Ave.
- Sto. Niño (Meycauayan Bulacan) – Trinoma, MRT North Ave., Mindanao Ave.
- Heritage (Meycauayan Bulacan) – SM North (QC)
- Marilao (Bulacan) – SM North Ave.
- Sto. Niño (Meycauayan Bulacan) – Central Integrated Terminal (QC)
- SM Marilao (Bulacan) – Sm North (QC)
- Malhacan (Meycauayan Bulacan) – Quezon Ave. via NLEX
- Malhacan (Meycauayan Bulacan) – Central Integrated Terminal (QC)
- Marilao – Central Integrated Terminal (QC)
- Marilao Terminal – Quezon Ave. Terminal (MRT)
- Turo (Bocaue, Bulacan) – Central Integrated Terminal
- Turo (Bocaue, Bulacan) – Central Integrated Terminal via NLEX
- Turo (Bocaue, Bulacan)) – Mrt / Quezon Ave. Terminal via NLEX
- SM Marilao (Bulacan) – Central Integrated Terminal
- Meycauayan – Recto
- Balagtas – Monumento
- Springville, Molino Bacoor – Alabang via Daanghari
- Molino – Alabang via Daanghari
- Molino Bacoor – Ayala Center Terminal via Skyway
- Golden City (Dasmariñas) – Ayala Center
- Pacita – Makati Square
- Pacita Complex – Ayala Center Terminal via San Pedro Exit
- Pacita Complex (Laguna) – SM Makati
- Pacita (San Pedro, Laguna) – Makati Square
- Pacita Complex – Ayala Center via Southwoods Exit
- Barangay Mamatid (Cabuyao, Laguna) – Festival Mall
- Mamatid (Cabuyao, Laguna) – Festival Mall (Alabang)
- Balibago (Laguna) – SM Southmall (Las Piñas)
- Taytay – EDSA Central
- Greenland Executive Village (Cainta) – Ayala
- Rodgriguez – Sta. Lucia Grandmall (Cainta)
- Masinag – Ayala
- Antipolo – Ayala
- Antipolo – Ayala Via C5
- Antipolo – Ayala Via Tikling
- Antipolo – Ayala Via Circumferencial Rd.
- San Mateo (Rizal) – Ayala Ave.
- Binangonan – Sta. Lucia (Cainta)
- Binangonan – SM Megamall
- Binangonan -EDSA Starmall
- Binangonan – EDSA Central
- Binangonan – Marikina Riverbank via LRT Santolan
- Cardona – EDSA Starmall
- Cardona – EDSA Central
- Morong – SM Megamall
Ayon kay Delgra, alinsunod ito sa polisiya ng Department of Transporation (DOTr) para sa dahan-dahan at calibrated na pagbabalik ng mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Kasabay nito, mariin namang pinaalalahanan ni Delgra ang mga drivers at operators ng mga UV express na mahigpit na sundin ang inilatag na guidelines ng LTFRB sa ilalim ng Memorandum Circular 2020-025.
Mananatili rin aniya ang umiiral nang fare rate sa mga UV Express na P2.00 kada kilometro at walang gagawing adjustment sa pasahe.
Sinabi naman ni Delgra na hindi pa rin nila isinasantabi ang posibilidad na pagdedeploy ng mga karagdagang moderno at tradisyunal na jeepney sa mga susunod na araw.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA