Inihain ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte at Benguet Rep. Eric Yap ang House Bill No. 1753 o “Anti-Underage Drinking Act,” na magbabawal sa pagbebenta ng alak sa mga wala pang 21 taong gulang.
Ang mga edad 21- anyos pababa ay hindi papayagang uminom o bumili sa mga establisyemento katulad ng bar, restaurant, hotel, retail store, at supermarket.
Nakasaad sa panukala na pagbabawalan ring bentahan ang mga mga 21-anyos pataas subalit walang kakahayaan na alagaan o ipangtanggol ang sarili mula sa pang-aabuso, pananakit o diskriminasyon dahil sa physical o mental disability o condition.
Bukod sa pinagbabawalan na bumili, pagbentahan, o uminom ng alak, ang mga hindi kuwalipikadong indibidwal ay pinagbabawalan na magtago o magdala ng alak.
Ipinagbabawal din sa naturang panukala ang pagpresenta ng pekeng ID na nagpapakita ng pekeng edad sa loob at ipinagbabawal din ang pag-inom o pagdadala ng alak o alcoholic beverages ng isang indibidwal na below 21 anyos sa loob ng establishments.
Nakasaad din sa naturang panukala ang mga hindi kwalipikadong indibidwal na lalabag sa unang pagkakataon ay isasailalim sa counseling sa Barangay Council for the Protection of Children (BCPC).
Para naman sa second offense, kailangang dumalo sa dalawang magkasunod na counseling sessions sa BCPC kasama ang kanilang parents o guardians kapag hindi naman ito nasunod sa ikatlong offense ay ibibigay na ang kaso sa Department of Social Welfare and Development.
Ang mga indibidwal na nasa legal na edad o opisyal ng establisyemento na lalabag ay pagmumultahin ng P50,000 o makukulong ng hindi hihigit sa tatlong buwan.
Kung muling lalabag, ang nabanggit na multa at kulong na ang ipapataw dito bukod pa sa pagkansela sa kanilang lisensya na magnegosyo.
Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO) na nagsasabi na ang pag-inom ng alak ay ikatlong risk factor na nagdudulot ng pagkasira ng kalusugan at umaabot umano sa 2.5 milyon ang nasasawi rito kada taon.
“WHO further highlights that apart from the physical well-being, a wide variety of alcohol-related problems can have a devastating impacts on individuals and their families and can seriously affect community life,” sabi ng mga may-akda sa explanatory note ng kanilang panukala.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna