NAMATAY ang 28-anyos na dalaga matapos malunod sa creek makaraang mahulog sa bubong ng inuupahang bahay habang kinukuha ang alagang tuta sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot ng buhay sa Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang si Eloisa Gentugao ng Phase 10, Vitarich, Package 3, Block 75, Lot Excess, Brgy. 176 Bagong Silang.
Sa inisyal na ulat na tinanggap ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta mula kay Police Sub-Station-12 Commander P/Maj. Darwin Decano, kasama ng biktima ang kanyang live-in-partner na miyembro ng LGBT na si Arcel Royo, 24, at kaibigan nilang si Roset Larena 25, sa pag-iinuman sa loob ng inuupahan nilang bahay nang magkaroon umano ng pagtatalo ang dalaga at kinakasama dakong alas-9:57 ng gabi bunga ng umano’y pagseselos ng huli.
Sa galit umano ni Royo, inilagay niya sa bubungan ng bahay ang alagang tuta ng biktima na pilit namang kinuha ng dalaga subalit, bumigay at nasira ang yero na naging dahilan upang mahulog ang biktima sa malalim na bahagi ng creek sa gilid ng kanilang bahay.
Kaagad humingi ng tulong si Larena sa mga tauhan ng barangay na mabilis na lumusong sa sapa hanggang makuha nila ang katawan ng dalaga at mabilis na isinugod sa naturang pagamutan.
Dinakip naman ng mga tauhan ni Maj. Decano si Royo matapos siyang ituro ng testigo na naglagay sa alagang tuta ng dalaga sa bubong habang inaalam kung nahulog matapos bumigay ang yero ng bubong o hindi sinasadyang naitulak ang biktima na dahilan ng kanyang pagkahulog.
Ayon Col. Lacuesta, inihahanda na ng mga imbestigador ang pagpi-prisinta sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office para sa isasampang reklamong reckless imprudence resulting in homicide.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW