December 25, 2024

‘Ala raw pondo?’, CLAUDINE BARRETO, UMURONG SA PAGTAKBO BILANG COUNCILOR

Totoo bang umurong na si Claudine Barreto sa pagtakbo bilang Councilor sa Olongapo? Ayon sa chika ni Tita Cristy Fermin sa kanyang programang ‘Cristy Fer Minute’. Aniya, hindi na raw sumasama ang aktres sa pag-ikot ng kanyang partido upang mag-campaign.


Ang standard bearer ng pambatong alkalde niya ay si Arnold Vegafria na isang talent manager.
“Hindi na raw po sumasama si Claudine, dahil ang pangako daw sa kanya ni Arnold Vegafria nang kunin siya para tumakbo bilang konsehal ay si Arnold ang taya sa lahat ng gastos. Wala raw anumang gagastusin si Claudine basta tumakbo raw.”


Pero, ang siste, wala raw nailalatag na pondo sa aktres mula sa pangako sa kanya. Ayon pa kay Many Cristy, saan daw kukuha ng pondo si Claudine. ‘E wala naman itong projects sa TV o pelikula? Malalaman natin yan kapag si Claudine na mismo ang nagpahayag ng kanyang side.