
ARESTADO ang aktor na si Dominic Roco kasama ang apat pa sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), dakong alas-1:20 ng madaling araw nang maaresto sina Roco, 33; Eugene Marvin Tolentino, 27; Reynaldo Sanchez Sy, 45; Renz Anthony Cruz, 33; at Dexie Diamante, 21, sa Brgy. Holy Spirit.
Nakompiska mula sa mga suspek ang P112,000 halaga ng shabu, P14,000 ng pinatuyong marijuana, isang timbangan, at buy-bust money.
Nakakulong na ngayon ang aktor at kanyang mga kasama sa police station matapos sampahan ng kaso dahil sa paglabag sa Republic Act 6425 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Si Roco ay anak ng beteranong aktor na si Bembol Roco at kapatid ni Felix Roco, na isa ring artista.
More Stories
LIBU-LIBONG LAS PIÑEROS, NAGTIPON SA MITING DE AVANCE NG TEAM TROPANG VILLAR!
PASIG SCHOLARSHIP O VOTE-BUYING? Vico Sotto, inireklamo sa Comelec
PASIG CITY HALL PROJECT, SOBRANG MAHAL? Curlee Discaya: ‘Overpriced ang P9.6B, Dapat P2.7B lang’