December 27, 2024

AKTIBONG KASO NG COVID-19, MATAAS PA RIN

Muling nakapagtala ang Pilipinas ng halos 9,000 bagong kaso ng COVID-19, matapos ang isang araw na pagbaba sa 6,000 new cases ng sakit.

Ngayong Huwebes, April 1, nag-ulat ang Department of Health (DOH) ng 8,920 na bagong kaso ng tinamaan ng coronavirus.

Dahil dito sumipa pa sa 756,199 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

“7 were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS) on March 31, 2021.”

Ayon sa DOH, balik sa higit 20% o 21.1% ang positivity rate. Ang positivity rate ay ang bilang ng mga nagpo-positibo mula sa populasyong sumailalim sa COVID-19 test.

Tinatayang 34,270 ang bilang ng mga nagpa-test sa coronavirus kahapon.

Patuloy ding sumipa sa 138,948 ang bilang ng active cases o mga nagpapagaling, na pinakamataas sa buong South East Asia.

Halos 96% o 95.9% ang numero ng mild cases; 2.5% asymptomatic; 0.6% na critical at severe cases; at 0.35% na moderate cases.

Samantala, nadagdagan ng 205 ang total recoveries na umaabot ng 603,948.

Habang anim ang bagong naitalang namatay para sa 13,303 total deaths.

“9 duplicates were removed from the total case count. Of these, 3 are recoveries.”