January 23, 2025

AKTIBONG KASO NG COVID-19, 61K NA

Lagpas 4,000 muli ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (March 17), pumalo na sa 635,698 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 61,733 o 9.7 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 4,387 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

93.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.8 porsyento ang asymptomatic; 0.68 porsyento ang moderate; 1.3 porsyento ang severe habang 1.2 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 18 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 12,866 o 2.02 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 374 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 561,099 o 88.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.