Patay nitong Biyernes ang aktibista at manunula na si Kerima Lorena Tariman, na nagsilbing managing editor ng Philippine Collegian, sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng militar at komunistang rebelde sa lalawigan ng Negros Occidental.
Si Kerima ay sa sa dalawa sa New People’s Army fighter na namatay sa bakbakan sa Hacienda Raymunda, Silay City, ayon sa Communist Party of the Philippines sa Facebook. Kinumpirma kanyang ama at isa ring manunula na si Pablo Tariman ang pagkamatay ng kanyang anak sa hiwalay na social media post.
Pumaw si Kerima sa edad na 42.
Naglabas ng report ang Armed Forces of the Philippines sa nangyaring engkwentro sa Silay na hindi binanggit ang pangalan ng mga nasawi.
“[Kerima] was a renowned poet, writer and revolutionary artist who chose to share the life-and-death struggle of the masses of Negros Island. She gave up her life to serve the people and the revolution,” ayon sa CPP sa isang pahayag.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA