Speaking of internet connection, mga Ka-Sampaguita, hindi ba’t nakakadismaya ang bagal ng accessibility dito sa ating bansa?
Bakit kanyo? Ang Pilipinas ay nasa 107 puwesto ayon sa Speedtest Global Index (noong Mayo 2019) o bilis ng internet connection mula sa 174 bansa.
Mayroon lamang bilis na 15.1 Mbps sa mobile internet at 19.55 Mbps pagdating sa fixed broadband. Isa sa mabagal sa rehiyon ng Timog Silangang Asya. Ala ‘e mas mabilis pa ang internet ng Myanmar, Cambodia at Laos sa atin.
And wait the minute kapeng mainit, mga Ka-Sampaguita kong minamahal, sa kabila na tila pilay na kunehong tatakbo-takbo’t lulundag-lundag sa bilis ang ating internet acccesbility, ‘e mahal ang cost nito. Hindi ba’t, nakakainis ‘yan?
Gayunman, nag-i-improved naman ang bilis. Kaso, malaking aberya ang paputol-putol na internet lalo na sa mahahalagang aktibidad.
Kahit mga honorable natin ‘e nabiktima ng usad-pagong na internet accesscibility nang magsagawa ng hearing ang Senate committee on public services. Ala ‘e, panay hinto at tila nagmimistula silang robot kung magsalita dahil sa panay buffer ang koneksyon.
Tamang-tama sana ang hearing dahil may kinalaman ito sa serbisyo ng internet sa bansa. Kaya lang, ang kasama sana sa mga resource person ang mga kinatawan ng telecommunication companies (Telcos) Department of Information and Communications Technology (DICT) at iba pang stakeholders.
Ang resulta sa palpak na koneksyon, hayun, dismayado si Sen. Grace Poe, Senate committee on public services chairperson. Bakit hindi? ‘E nagiging palipad-hangin ang siste ng usapan at sinasabi ngmga bisita sa hearing, gayung may sustansiya ang kanilang mga sinasabi.
Kabilang sa topic sana sa talakayan, mga Ka-Sampaguita ang tungkol sa ‘new normal’.
“The current state of internet access in the country demands urgent attention as millions of Filipinos are trying to lead new normal lives at home. Those working from home, the millions of students anxious about online learning, and all those who depend on the digital economy are all waiting for the digital life to get better,” sabi ng senadora.
Dahil sa nangyari, hayun, kabilang sa kanilang committee report ang pupugak-pugak na internet connection. May punto naman ang senadora,lalo pa’t malaki ang inaasahan ng ating mga kababayan sa internet ngayong panahon ng pandemic.
Dahil sa pangyayari, isasama na rin ni Sen. Poe sa kanilang committee report ang putol-putol na connection, upang makasama sa rekomendasyon ang pag-upgrade sa ating internet accessibility.
Isa sa dahilan niyan, aber! Obyus ba? Ilan lang ba ang magkakompetisya pagdating sa internet service provider? Dalawa lang di po ba? Duopolists ika nga. So, kulang.
Pero, kung marami ang karibal ng dalawang higanteng telcos sa ating bansa, halimbawang tatlo o apat silang provider, baka ayusin nila ang serbisyo. Idagdag pa ang pagpapatayo ng 67,000 cell cites sa buong bansa para ma-improve ang koneksyon ng internet, lalo na sa mga probinsiya.
Karamihan ngayon ay rumaraket sa online, may business at may mga transaksyon online.
Nagiging tulay ang internet upang tumuklas tayo ng impormasyon, makipagtalastasan sa ating mga mahal sa buhay at iba pang aktibidad.
Lalong mas magiging essential ang internet connection sa darating na mga araw. Lalo pa’t ang ating mga mag-aaral at guro ay gagamit ng internet sa pag-aaral at pagtuturo.
Kaya’t mahalaga na mapabilis ang internet accessibility sa bayan nating mahal, mga Ka-Sampaguita. Kinakailangang gumawa ng kauykulang hakbang ang pamahalaan upang maisatuparan ang mga proyekto na magpapasulong sa internet connection sa ating bansa.
Kabilang nga ang mga cell cites, pagtatayo ng common towers na uupahan ng mga telco providers.
Sa gayun ay mapakinabangan natin ito, lalo na ang mga mag-aaral at guro pagdating ng pasukan sa Agosto— at sa hinahaharap. Adios Amorsekos.
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!