
PASAY CITY, Pilipinas — “Ito ay isang napakahirap na insidente. Ang aming pangunahing layunin ngayon ay matiyak na ang mga biktima at kanilang mga pamilya ay makatanggap ng kinakailangang suporta at pangangalaga.”
Ito ang nangako ni New NAIA Infra Corp. (NNIC) President Ramon S. Ang, habang ipinagkaloob niya ang agarang tulong sa mga biktima ng aksidente sa daan na naganap noong Linggo sa departure level ng NAIA Terminal 1.
Ayon sa mga unang ulat, isang sports utility vehicle ang nakaparada malapit sa terminal entrance nang bigla itong mag-accelerate, tumama sa outer railing at tumagos sa walkway. Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang driver at patuloy ang imbestigasyon.
Sinabi ni Ang na habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, siya ay personal na magbibigay ng suporta sa mga medikal na gastos ng apat na indibidwal na nasugatan at magbibigay ng pinansyal na tulong sa mga pamilya ng dalawang nasawi sa insidente.
“Ang NNIC ay patuloy na nakikipagtulungan sa mga awtoridad at sumusuporta sa lahat ng mga kasalukuyang hakbang para sa pagtugon at imbestigasyon. Nagpapahayag ang kumpanya ng pinakamalalim na pakikiramay sa mga pamilya ng mga pumanaw at nagnanais ng mabilis na paggaling para sa mga nasugatan,” dagdag ni Ang. (ARSENIO TAN)
More Stories
P102K SHABU NASAMSAM! KELOT KUMAGAT SA BUY-BUST SA VALENZUELA
Iba-ban si referee Collantes… DESISYON MALAMANG MABALIGTAD PABOR KAY SUAREZ NG PILIPINAS
Drug suspect, tiklo sa buy-bust sa Valenzuela