December 25, 2024

AKOOFW FEEDING PROGRAM, TULOY SA GITNA NG PANDEMYA

HALOS 500 residente sa bayan ng Balete, Batangas ang nakinabang sa libreng pagkain sa pag-iikot  ng AKOOFW mobile kitchen sa CALBARZON.

Sinabi ni Nald Santos, Vice-Chairman for Reintegration & Education ng AKOOFW, na patuloy ang pagseserbisyo ng organisasyon sa mga pamilyang pinadapa ng pandemya.

Tinupad ni Santos ang kanyang pangako na pagbibigay ng pagkain sa mga Pilipinong apektado ng pandemya, lalo na sa mga kamaganak ng OFWs.

Personal na pinangsiwaan ni Santos ang pamimigay ng Batangas lomi sa mga taga-Balete nitong nakaraang Linggo

Mahigpit naman na ipinatupad ang health protocols sa nasabing feeding program para matiyak na walang mahahawa ng virus.

Katuwang ni Santos sa pamamahagi ng ayuda si Russel Aranez na tubong Balete, Batangas. (DANNY ECITO)