MATAPOS ang masusing pagkilatis at pagsusuri, pormal nang inaprubahan ng Commission on Elections (COMELEC) ang accreditation ng Advocates and Keepers Organization of OFWs, Inc. (AKO-OFW) bilang party-list group para makalahok sa nakatakdang May 2022 elections.
Sa inilabas na desisyon ng COMELEC 2nd Division na nilagdaan nina Commissioners Socorro Inting at Antonio Kho, Jr., opisyal ng rehistrado ang AKO-OFW bilang sectoral party na kumakatawan sa mga Overseas Filipino Workers at kanilang mga pamilya.
Ipinaalala ng COMELEC na ang ipinagkaloob na accreditation or registration ay nangangahulugan ng patuloy na commitment ng AKO-OFW na sumunod sa election laws and regulations.
Labis naman ang kagalakan ng siyam na nominees ng AKO-OFW sa desisyon ng COMELEC 2nd division na anila ay magsusulong ng mga adbokasiya para sa lahat ng OFWs, veteran OFWs at kanilang mga pamilya.
Ang siyam na nominees ay sina PAF (Reserve) Major at Dr. Chie Umandap, Mohamad Ali “Coco” Naik, Reynald Santos, Jr., Cesar Gervacio, Jaylord Alden Estolas, Efren Cadiz, Joseph Timothy Rivera, Jose Antonio Coronel at Engr. Frank Naval na pawang dating OFWS mula sa Kuwait, Saudi Arabia, Japan, Qatar at Singapore.
“To God be all the glory and praises! Nagpapasalamat po kami kina Comelec Commissioners Inting at Kho sa accreditation ng AKO-OFW as a sectoral party, lalo na sa aming matalino at batikang election lawyer, Atty. Donna Camitan,” ayon kay Dr. Chie
Kabilang sa mga adbokasiya ng AKO-OFW ay ang serbisyong may malasakit gaya ng pagpapatayo ng dagdag na OFW wards at hospitals, pension plan, OFW village, OFW advisory council sa bawat Barangay at livelihood programs para sa pamilya ng mga OFW. (Danny Ecito)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY