Nanawagan si Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña sa liderato ng Kamara na panahon na para kumilos kaugnay sa tatlong inihain na impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
“Anong petsa na? Matatapos na ang Enero, wala pa ring aksyon ang Kongreso sa mga impeachment complaints. Magpapatalo at magpapasindak ba ang Kongreso kay Sara at sa kanyang chicheryang mga palusot?” tanong ni Cendaña, na siyang endorser ng unang impeachment complaint laban kay VP Sara.
“The time has come to take decisive action and finally impeach the Vice President. Habang nakaupo pa siya, hinahayaan nating mamayani ang pandarambong sa ating gobyerno,” dagdag niya.
Mag-a-adjourn ang sesyon mula Pebrero 8 hanggang Hunyo 1 at magpapatuloy mula Hunyo 2 hanggang 13, na magiging huling sesyon ng 19th Congress.
“Ang dapat mangibabaw ay ang ating moral at pambansang obligasyon, hindi ang pangamba sa darating na halalan. Hindi tayo dapat nagpapaapekto sa bilang ng botong madadagdag o mababawas kung susuportahan natin ang impeachment. We must uphold our constitutional mandate to revoke the powers of abusive government officials,” saad ng mambabatas. Pinuri rin ni Cendaña also praised ang libo-libong nagmamartsa sa kalsada para hilingin ang impeachment ni Sara at kondenahin ang katiwalian sa gobyerno.
“We congratulate all Filipinos who mobilized today to call for Sara Duterte’s removal and to stand against corruption. But let us not be complacent. Let us remain vigilant against the Dutertes’ attempts to twist the narrative and undermine the call for justice and accountability,” aniya.
Ang naturang event ay pinamagatang “A Gathering for Accountability: Impeach Sara!” na dinaluhan ng mga impeachment complainant at kanilang tagasuporta.
More Stories
EROPLANO AT MILITARY CHOPPER NAGSALPUKAN SA ERE SA WASHINGTON (Pinoy na pulis kabilang sa mga nasawi)
PAGPAPALAYAS SA MGA ILLEGAL POGO WORKERS SA BANSA MINAMADALI NA NG BI
150 PDL IBINIYAHE SA LEYTE