January 23, 2025

AKBAYAN NAGKILOS-PROTESTA SA HARAP NG BIR

Nagprotesta sa harap ng tanggapan ng BIR sa Quezon city ang ilang miyembro ng Akbayan.

Iginiit nila ang umano’y pagsamsam ng BIR sa mga ari- arian ng Pamilya Marcos para mabayaran ang utang na buwis na nagkakahalaga ng 203 billion pesos.

Iginiit rin nila na iaatras na ni dating Senador Bongbong Marcos ang kaniyang kandidatura dahil sa umano’y hindi nababayarang estate tax.

Ang grupong ito rin ang umapila sa Comelec en banc na baligtarin ang desisyon ng isang dibisyon na nagasura sa huling election protest laban kay BBM .

Pero ayon sa ating mga kababayan, walang karapatan ang sinuman para paatrasin ang isang tumatakbong Pangulo.

Panggigipit lang daw ito kay Marcos dahil frontrunner ito ngayon sa mga presidentiable.

Dapat raw ipaubaya na sa BIR ang paniningil ng estate tax pero hindi raw ito sapat para paatrasin sya sa laban. Iginiit naman ng kampo ni BBM na walang batayan para iatras ang kandidatura ni Marcos ang mga paratang kasi sa kanya ay walang basehan na binuhay dahil tumatakbo sya sa pagkapangulo