Nilabat ng Akari Chargers si Brazilian mentor Jorge Souza de Brito bilang head coach ng team. Sasabak ang koponan sa paparating na 2022 PVL Reinforced Conference sa July 9.
Ito rin ang debut ng Chargers sa third conference ng liga.Inaasahang mga young guns ang papalo sa Akari.
“Since we’re trying to form a young team and we are a new team, [we expect] a lot of learning from him,” ani team manager Mozzy Ravena.
He’s bringing his international experience with him, and will share that not only with the players, but to our coaches as well,” dagdag nito.
Naging bahagi ng PNVF (PH national team) si de Briton a sumabak sa 31st SEA Games sa Vietnam. Naglaro rin siya sa Brazil’s men’s volleyball team. Kung saan ay nakasungkit ng gold medal sa 1992 Barcelona Olympics.
Kabilang sa coaching stint ang pagiging mentor ng Brazil, Turkey, Japan at Korea.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2