NABISTO ang raket ng isang empleyado ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 matapos tangkaing paalisin ang tatlong biktima ng human trafficking patungong Dubai, UAE noong Disyembre 22.
Unang nagkunwaring magkakaibigan ang mga ito mula General Santos City at magpapabakasyon ngunit natuklasang hindi magkakakilala.
Wala rin umanong mga return tickets ang mga ito, ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco.
Nang pigain, inamin ng mga biktima na na-recruit silang bilang service workers sa Dubai. Nakilala lamang nila ang recruiter sa Facebook at hindi na inalam kung paano silang makapupunta sa UAE.
Nabatid na nakitang escort ang airport employee patungong immigration counters.
“Immigration supervisors promptly intervened, signaling that such actions were unauthorized and against protocol,” sabi ni Tansingco.
Hindi umano kailangang lumapit ang ng empleyado sa immigration areas dahil off-limits ito sa mga kawani.
More Stories
P10.4M Confidential fund nawawala… VP SARA SWAK SA ASUNTO – REP. LUISTRO
PILIPINAS NAGHAHANDA NA PARA MAG-HOST SA FIVB 2025 MEN’S WORLD
BILANG NG KASO NG DENGUE SA NCR LUMOBO