BILIS, mas bata, mabangis at asintadong shooters ang nadagdag pang mga pambato sa Tigers den.
Handa na sa giyera ng Pilipinas Super League Second Conference Winzir edition na sasambulat sa susunod na buwan ng Oktubre ,ang powerhouse team na Davao Occidental Tigers Cocolife na may kumpleto rekado nang line-up nito.
Pinagungunahan ni JRU Heavy Bombers standout Airness Rhei Jordan Alao ang mga new tigers on the block bilang lisensyadong back- up shooter kasama ang maliksing point guards na sina Diego Dario at Alvin Abundo.
Intact pa rin ang beteranong miyembro ng champion caliber team mula Mindanao ni team owner Dinko Bautista na sina Bonbon Custodio,Emman Calo at Marco Balagtas, Paolo Hubalde, Gab Dagangon,Larry Rodriguez,Daryl Goloran at streakshooter John Wilson na nakakopo ng kampeonato noong nakaraang 1st Conference ng PSL na inorganisa nina Pres. Rocky Chan, Vice Ray Alao katuwang sina commissioner Mark Pingris, deputy Chelito Caro at basketball operation head Leo Isaac.
Ang pambatong Tiger na si Robby Celis ay nagpapagaling pa ng kanyang injury sa paa.
Swak naman sa koponang suportado nina Cocolife president Atty.Jose Martin Loon,SVP Joseph Ronquillo,VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque ang homegrown na sina Cloyd Casas, Dave Arana at Jeff Doromal.
Ang beteranong champion player na si Jerwin Gaco ay nanombrahan nang deputy coach kasama sina Manu Inigo, Jesse James, Don Dulay, Jose Presbitero sa timon ni head coach Arvin Bonleon at kukumpleto sa bench technical staff sina Kim de Pedro, Daryl Solomon, Dan Eustaquio, Anthony Gargoles, PT Dr. Albert Ang at conditioning coach na si Aldo Panlilio.
Samantala, sinabi naman ni Chan na ang number of teams, lineup, petsa at venue ay iaanunsiyo matapos ang pinal na pagpupulong ng PSL Board at team owners’ representatives.
Bukod sa presentor na Winzir, ang PSL2 ay itinataguyod ng La Filipina Corned Pork ang Luncheon Meat, Amigo Segurado Pasta and Sauce, Unisol, Wilson, Wcube Solutions, Inc., Adcon at Hotel Sogo.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY