November 3, 2024

AirAsia binati ang mga batang Pinay weightlifters matapos bumuhat ng 5 ginto sa Uzbekistan

Mula kaliwa pakanan: Angeline Colonia, Rosalinda Faustino, AirAsia CEO Ricky Isla, Jay-R Colonia at coach Gregorio Colonia

Binati ng AirAsia Philippines sina Angeline Colonia at Rosalinda Faustino matapos bumuhat ng limang gintong medalya sa 2022 Asian Youth and Junior Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan.

 “AirAsia is very proud of our young athletes.  We admire their dedication and perseverance that is also reflective of the “never stop attitude” among Allstars who continue to power through to reach their dreams. Angeline and Rosalinda are pure raw talents who only need adequate support, and AirAsia will be there to ensure that they reach their goals and good intentions for their family and their beloved country,” ayon kay AirAsia Philippines CEO Ricky Isla.

Para ipagdiwang ang pagkapanalo, nangako ang World’s Best Low-Cost Airline na sasagutin nila ang papunta at pabalik ng Zamboanga para sa kanilang pagsasanay bilang preparasyon sa paparating na 2023 World Youth Championships in Columbia at 2023 SEA Games sa Cambodia.

Dati na ring sinagot ng AirAsia Philippines sa pamamagitan ng kanilang alwaysREDy: anytime, anywhere corporate social responsibility umbrella program ang mga biyehe nina Angeline, Rosalinda at ng kanilang coach na si Gregorio Colonia papunta at pabalik ng Zamboanga City para makipagkumpetensiya sa Uzbekistan. Nakatakdang bumisita ang dalawang gold medalists sa AirAsia Philippines’ Red Point Headquarters sa Hulyo 27 bago umuwi sa kanilang tahanan sa Zamboanga City kung saan inaasahan na bibigyan sila ng hero’s welcome.