January 25, 2025

AIELLE AGUILAR PINAKABATANG FILIPINA WORLD CHAMPION SA JIU JITSU

Buong- buo ang loob ng musmos pang si Aielle ng Pilipinas kahit na nasa labas ng bansa sumasabak at mas malalaki ang kanyang mga nakalaban ay isa-isa niyang ginapi para sa gintong medalya upang tanghaling kampeon ng katatapos na prestihiyosong AJP World Pro Jiu Jitsu Championship sa Abu Dhabi kamakalawa ng gabi.

    Ang mag-aanim na taon gulang at  tinanghal pa lang na  batang kampeon sa nakaraang  2022 Little Foot Jiu Jitsu In- House Championship sa Victoria Sports Club sa EDSA,Quezon City kamakailang si Aielle ay  agad na nadomina ang kalaban mula host team UAE ,6-0 na nasundan ng submission victory niya kontra Brazilian bet upang makopo ang gintong medalya at tanghaling pinakabatang world champion  sa torneo ng pinakamagagaling sa mundo magmula sa kid division ,elite hanggang masters.

   Winalis ni Aielle-anak ni World Beach Games Jiujitsu champion Maybeline Masuda at Wrestling Association of the Philippines president/ URCC Global founder -chief Alvin Aguilar  ang lahat ng kanyang nakatunggali mula elimination round hanggang championship match.

   ” We are all so proud of you( Aielle),even  at such a young age,you are already organized and  hardworking in everything you do.From academics to sports ,you always excel because you always work hard” ,papuri ng amang si Aguilar sa kanyang supling na  kampeon na sa mundo at lalong naantig ang kanyang pagmamalaki  sa mga katagang binulalas ni Aielle sa kanya bago ang championship match nito..”Papa I’ll show you my gold medal later on”.

  Pinasalamatan ni Pres.Alvin at kabiyak na si Maybeline ang  Team DEFTAC lalo na kay Yuri Yson sa pag-prepara  sa batang kampeon sa misyong maitala ang kasaysayan bilang  pinakabatang world champion mula Pilipinas na si Aguilar- isang ginintuang pagkakataon na mahirap pantayan sa mahabang panahon.