Umalma si Kapuso actress Ai Ai De las Alas sa pagkakadawit ng kanyang pangalan bilang ‘ Kakampinks’. Hindi nagustuhan ng aktres ang pagkamada sa kanya sa isang poster na kinabibilangan ng mga artistang sumusuporta kay VP Leni Robredo.
Giit niya, ang kuhang larawan na ikinadama sa thumbnail ay suot pa niya noong ginagawa ang ‘Ang Tanging Ina’. Kaya, nagalit siya sa mga nas alikod ng nasabing materyales na ipinost sa social media.
Ibinahagi rin niya sa kanyang IG account ang isang screenshot ng thumbnail. Kung saan, kasama siya sa isang video na ” Mga Artistang Nagsuot ng Pink’.
“Utang na loob NANANAHIMIK AKO. Wag n’yo akong masali sali sa mga ganito… tahimik buhay ko,” bulalas niya.
“Lahat na lang.. Huy!!!! Tanging ina ko pa picture yan. Tanging ina ka kung dino ka man na gumagawa ng mga ganitong ka-cheapan.. pls hindi po ako VP Leni supporter,” dagdag pa ni Ai Ai.
More Stories
WILLIE REVILLAME WALA PANG MAISIP NA PLATAPORMA: SAKA NA ‘PAG NANALO NA KO
Vice Ganda may unkabogable na bagong sasakyan?
JOJO NONES KAY JINGGOY ESTRADA: SORRY