November 23, 2024

AGRI PROFITEERS, HOARDERS, CARTELS  IKULONG – JV EJERCITO

Para kay Senator JV Ejercito, napapanahon na para kalusin ang mga nanabotahe sa agricultural economic ng Pilipinas.

“They are the pests who are choking our agricultural sector,” matapang na pahayag ng senador.

Niratipikahan ng Senado ang bicameral committee report sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Bill noong Miyerkoles, Mayo 22.

Layunin ng panukala na ipawalang-bisa ang Republic Act No. 10845 o ‘Anti-Agricultural Smuggling Act’, at magpataw ng matinding parusa para sa smuggling, hoarding, profiteering, at pagbuo ng kartel ng agricultural at fishery products.

“This bill will uproot them and put them in jail, where they belong,” giit ng senador.

 Ayon kay JV, poprotektahan ng panukala ang estado mula sa mga economic saboteur gayundin ang kabuhayan ng mga magsasakang Pinoy.

“Ang panukalang ito ay binhi ng pag-asa para sa ating mga magsasaka. Ito ay itinanim ng Senado para sa kanilang kinabukasan,” sabi ni Ejercito.

Dagdag pa niya, magkakaroon ng pagkakapantay-pantay sa mga lokal na magsasaka dahil wawalisin nito ang mga mapagsamantalang mga profiteer, hoarder at kartel.