BAGSAK sa kulungan ang isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit kalahating milyon peso halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Michael Labriaga, 34 ng Brgy. 175, ng lungsod.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio PeƱones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na dakong alas-12:20 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan, kasama ang 3rd MFC RMFB-NCRPO ng buy bust operation sa Robis 1, Brgy. 175.
Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksiyon sa suspek ng P50,000 halaga ng shabu at nang tanggapin nito ang marked money mula sa isang pulis na nagsilbi bilang poseur buyer kapalit ng isang large transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 75 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price P510,000.00, buy bust money na isang P1,000 bill at P49 pirasong P1,000 boodle money at coins purse.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA