October 31, 2024

Agila ng Bayan’s publisher, editor-in-chief, nakatanggap ng plaque of appreciation sa MSAB Assembly and Oath Taking Ceremony

Matagumpay na idinaos ang 520th ABW Multi-Stakeholder Advisory Board (MSAB) Assembly and Oath Taking Ceremony. Isinagawa ang nasabing okasyon sa Philippine Air Force 520th Air Wing  sa Villamor Air Base Golf Club (VABGC) sa Pasay City.

Sinimulan ang nasabing programa kaninang alas 9:00 ng umaga (October 16, 2020). Naging tampok sa naturang okasyon ang MSAB Oath Taking at Message of WC, 520th ABW.

Kabilang sa mga stakeholder ng board member sina Don Ramon R. Ignacio at Mina R. Paderna; publisher at editor-in-chief ng Agila ng Bayan,  na tumanggap ng ‘Plaque of Appreciation’.

Si Agila ng Bayan newspaper-online editor-in-chief Mina R Paderna (kanan)

Ito ay dahil sa kanilang patuloy sa suporta sa commitment ng Wings para sa hinahangad na reporma. Gayundin sa bisyon at adhikain sa pagtataguyod ng good governance, transparency at pananagutan ng samahan.

Mahalaga ang ginagampang papel ng mga stakeholders sa ikapagtatagumpay ng plano ng AFP. Kabilang na rito ang ikaaayos at pananatili ng peace and order sa ating bayan.

Many Filipinos choose to remain with the silent majority, but to be able to win the peace, we need everybody to speak out their minds, to declare that we are for peace rather than continuing conflict. We need the involvement of our stakeholders,” turan noon ni Philippine Army chief Lt. General Emmanuel Bautista.

Ang pagsubaybay ay mahalagang papel na ginagampanan nila sa pangangasiwa at pag-iimplementa ng proyekto ng assembly.

Ito’y kagaya rin ng pakikilahok ng komunidad (community participation) at pangangasiwang naghihikayat ng paglahok (participatory management).