Ipinagpapasalamat ng Agila ng Bayan sa Panginoong Diyos ang isa na namang mabiyayang taon. Sa kabila ng hamon at pagsubok, nananatili pa ring matatag. Patuloy na kumakampay at sumasagupa sa hamon ng buhay.
Ngayong taon, ginugunita ng pahayagan ang ika-11 taong anibersaryo nito. Bagamat nasuong sa unod dulot ng pandemya, narito pa rin kami. Patuloy na naghahatid ng makabulkuhan at tapat na balita.
Walang kinikilingan at nakasalig lamang sa katotohanan ang pagbabalita. Kung kaya, tinangkilik ito ng ating mga kababayan. Salamat sa Panginoong Diyos dahil hindi Niya pinabayaan ang pahayagang ito.
Gayundin ang mga bumubuo sa Agila ng Bayan. Salamat din sa mga walang sawang sumusuporta. Kayo ang ginagamit na kasangkapan ng Panginoon. Na dahil dito’y patuloy sa paglipad ang pahayagan. Na ngayon nga ay mababasa na ang mga nilalaman sa internet o online. Masasabing matatag, matibay at puno ng pag-asa ang pahayagan.
Hamak man ang pagsisimula nito, ngayo’y isa na ito sa tinitingalang pahayagan.
Naging inspirasyon ng bumubuo sa pahayagang ito ang pagtulong ng Diyos. Ang patuloy at walang sawang pagtangkilik ng ating mga kababayan. Kaya naman lalo pa naming pagsisikapan na makapaghatid ng mabuting balita.
Kasabay din ng pagkakatatag ng pahayagan ang kaarawan ni Don Ramon Ignacio. Na siyang haligi at ama ng nasabing peryodiko. Sa panibagong pakikipagsapalaran, nawa’y patuloy po naming kayong makakasama.
Sapagkat, hangad namin na kayo’y paghandugan ng tunay sa serbisyo. Sa ngalan ng patas at tapat na pamamahayag.
More Stories
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino
Ang Pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur