LABIS na nagpapasalamat ang pamunuan ng pahayagang Agila ng Bayan sa Outstanding Stakeholder of the Year award na iginawad bilang bahagi ng 1st Founding Anniversary ng Air Installation and Base Development Command (AIBDC) ng Philippine Air Force (PAF).
Ang tumanggap ng Plaque of Appreciation na may lagda ni PAF Acting Commander, Brigadier General Antonio Francisco Jr ay si Editor-in-Chief Mina Paderna ng Agila ng Bayan dahil sa ‘di matatawarang suporta nito sa AIBDC sa mga nagawa at pagsasakatuparan ng misyon at mandato ng Hukbong Panghimpapawid ng Pilipinas.
“Maraming salamat C7-AIBDC-Philippine Airforce para sa Plaque of Appreciation na ipinagkaloob ninyo sa Agila ng Bayan. Magsisilbi itong inspirasyon para lalo pa naming pag-ibayuhin ang pagpapaabot ng makatotohanang impormasyon sa publiko,” ayon kay Paderna.
More Stories
BILANG NG SCAM COMPLAINTS NAGING TRIPLE NOONG 2024 – CICC
Wembanyama napili bilang isa sa mga reserve para sa kanyang unang NBA All-Star Game
EX-NCAA BASKETBALL PLAYER TINAMBANGAN PATAY