
Nagsanib pwersa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States Marine Corps sa isinagawang Marine Exercise (MAREX) 2025 sa Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Ang pakitang gilas ay pinangunahan ng Western Mindanao Command, sumabak ang tropa sa isang matinding amphibious assault at live fire exercise nitong April 9.
Kabilang sa highlights ng aktibidad ang Joint Artillery Littoral Live Fire Exercises na tumutok sa coastal defense gamit ang pinagsamang lakas ng dalawang bansa.
Dito, Sama-sama nilang pinakawalan ng mga sundalo ang kanilang firepower, parang nasa totoong labanan.
Bago ang live fire event, umatake ng Full Mission Profile Amphibious Assault, joint forces ang Philippine Navy vessels at mga tropa mula sa Philippine Army, Philippine Navy, Philippine Marine Corps, at U.S. Marine Corps.
Matutuhayan dito ang maayos na koordinasyon at epektibong pagpapalakas ng puwersa mula sa dagat patungong dalampasigan. Ang #MAREX2025 ay patunay ng lalong mabagsik na depensa ng Pilipinas at ng patuloy na suporta mula sa mga kaalyadong bansa sa harap na rin ng mga banta sa rehiyon. (BG/AT)
More Stories
ANG PHARMALLY QUEEN AT ANG KATAHIMIKAN NG COMELEC
ICC, inutusan ang prosekusyon na isumite ang ebidensya laban kay Duterte bago ang Hulyo 1
MAHIGIT P1 TAAS-PRESYO NG PETROLYO SA SUSUNOD NA LINGGO ASAHAN NA