November 5, 2024

AFP CHIEF CERILITO SOBEJANA PINAPURIHAN ANG JOINT OPS NG PNP AT AFP LABAN SA MGA NPA TERRORIST

Pinapurihan ni AFP Chief General Cerilito Sobejana, ang mga tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP) kasama ang Southern Luzon Command na nakapatay sa tatlo sa humigit at kumulang tatlumpung NPA terrorist na responsable sa pagkamatay ng magtiyuhin na sina FEU football player Keith Absalon at sa tiyuhin nito na si Nolven Absalon, at pagkasugat naman ni Daniel Absalon na mga nasabugan ng land mine at pinagbabaril ng mga terorista  sa Brgy. Anas  sa Masbate, sa nagpapatuloy ngayon na pagtugis sa mga  suspek para mapanagot sa batas.

Ayon kay AFP Spokesperson Marine Major General Edgard Arevalo, sinisiguro ng mga kasundaluhan ng AFP sa pamilya ng mga biktima kanilang hahabulin ang mga natitirang mga NPA terorist kabilang ang kanilang mga lider hanggang sa tuluyan nang maubos at mawala ang mga ginagawang paghahasik ng lagim at takot ng NPA sa mga komunidad.

Dagdag pa ni MGen.Arevalo, na bilang tagapagtanggol ng mga Filipino ay sisiguraduhin nilang maigagawad ang hustisya at papanagutin ang mga Communist Terrorist Group o (CTG) kasama na ang kanilang mga pinuno at mga kasabwat.

Pahayag pa ni Arevalo na hindi lamang aniya ang ginawang pagkitil sa buhay ng mga Absalon ang ginawa ng mga NPA ang naging kasalanan ng mga terorista bagkus ay kinuha din ng mga ito ang pagkakataon ng magandang buhay at pag-asa na naghihintay para sa naulilang mga pamilya ng mga biktima.(KOI HIPOLITO)