December 24, 2024

AFP: Abu leader Indama patay sa Basilan clash

PATAY ang isang Abu Sayyaf leader na si Furuji Indama sa Basilan matapos makaengkwentro ang tropa ng gobyerno sa Basilan.

Kinumpirma ni Lt. Gen Corleto Vinluan, Western Mindanao Command chief, ang pagkamatay ni Indama noong Setyembre 9 nang maglunsad ang mga sundalo ng 44th Infantry Battalion ng opensiba laban sa Abu Sayyaf leader sa coastal town ng R.T Lim sa sa Zamboanga Sibugay.

Namatay ang bandido at hindi pa mabatid na bilang ng kanyang mga kasamahan ang sugatan sa bakbakan.

Ayon kay Vinluan, si Indama ay kabilang sa limang bandidong Abu Sayyaf na namatay sa isang follow-up operation na ikinasugat naman ng dalawang sundalo.

Si Indama ay isang associate ni Isnilon Hapilon, ang Islamic State’s emir sa Southeast Asia, na namatay din noong kasagsagan ng Marawi siege taong 2017 kasama ang Maute brothers.

Kamakalawa ay napatay din sa engkwentro sa Basilan ang trusted man ni Indama na si alyas Botak sa lugar ng Ungkaya Pukan.