Ikinagalak ni first-term Bulakan Mayor Vergel Meneses ang isang malaking proyekto na itatayo sa kanyang hometown Bulakan, Bulacan.
Sa kabila ng krisis ng COVID-19, nababanaag na ng tinaguriang ‘Aerial Voyager’ ng PBA ang future ng Bulacan.
Itatayo kasi ang pinakamalaki at pinaka-modernong international gateway sa Bulacan. Ito ay ang bagong Manila International Airport na proyekto ng San Miguel Corporation.
“Malaki talaga ang maitutulong. There will be more opportunities in terms of jobs and employment, increase of revenues from businesses, and real property will appreciate in value as well,” saad ng 51-year old na alkalde.
Aniya, sa gayung proyekto, mababawasan ang ilang dekadang congestion sa NAIA. Sisimulan naman ng SMC ang construction ng airport sa Oktubre.
Bukod sa paliparan, kasama rin sa massive project ang remedyo sab aha sa buong Bulacan.
“Definitely yes, may ilang mga nag-alala. Pero. nang napaliwagan sila at nakita ang benepisyo na ibibigay sa pagtatayo ng airport sa bayan ng Bulacan ay naging excited sila,” aniya.
Kapag natapos ang airport, maaari itong mag-accumudate ng 100 milyong pasahero kada-araw. Makaliliha ng million direct at indirect jobs.
Gayundin ng paglago ng karamihan sa small industries sa Bulacan. Kasama rin paglakas ng turismo rito na magdadala ng maraming trabaho.
Si Meneses ay naglaro ng 14 seasons sa PBA. Kung saan, nagwagi ng 3 championship at 1 MVP award. Naging coach din siya ng JRU Heavy Bombers sa NCAA, na siya niya ring alma mater.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2