POSIBLENG magpatupad ng konting pagbabago sa K to 12 program ang Department of Education.
Ito ang inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos sa isang ambush interview sa Jolo, Sulu kaninang tanghali.
Ayon sa Presidente, lumalabas sa resulta na hindi naging maganda ang employability ng mga estudyante ng K to 12.
Isa sa pinag aaralan nila ngayon ay ang pagkakaroon ng mini-courses na tatagal ng tatlo hanggang anim na buwan o 1-year short courses.
Pero kinakailangan nilang makipag ugnayan sa mga private sector upang matiyak na maa-accommodate ang mga mapo-produce na skilled workers.
Nais din ni Pangulong Marcos na gawing simple ang curriculum.
Sinabi ng Pangulo na maraming estudyante ang nasa grade 5 at grade 6 pero mahina, at mabagal magbasa.
Marami rin anya sa mga estudyante ay hindi nakauunawa sa binabasa at hindi nakakasulat ng mabuti.
Maging ang simpleng math exam ay hindi rin kaya ng mga mag aaral.
Kaya nais ng Pangulo na bumalik sa simple upang matiyak na matututunan ng mga bata ang basic education.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA