PINAG-INITAN ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang isang opisyal ng Adamson University kaugnay sa kawalan nito ng aksyon kahit alam nila ang presensiya ng Tau Gamma Phi sa kanilang paaralan.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Justice kaugnay sa pagkamatay ng Adamson student na si John Matthew Salilig matapo sumailalim sa hazon ng Tau Gamma Phi, sinabi ni Adamson Student Affairs director Atty. Jan Nelin Navallasca na “aware” sila sa presensiya ng nasabing fraternity sa kanilang unibersidad.
Ngunit kinuwestiyon siya ni Dela Rosa kung bakit hindi man lang nila nagawang kontrolin ang nasabing fraternity.
“So alam pala ninyo na meron niyan, bakit hindi ninyo ni-regulate,” tanong ni Dela Rosa.
Depensa naman ni Navallasca, hindi nila kinikilala ang mga fraternity at sorority sa kanilang paaralan.
“It (Tau Gamma) is not a recognized student organization. It is our policy that we don’t recognize sororities and fraternities in the university,” paliwanag ni Navallasca kasabay ng pagsabing hindi nila kilala ang mga miyembro ng Tau Gamma Phi.
Pero giit ni Tulfo, obligasyon ng paaralan na sabihan ang mga awtoridad tungkol sa presensya ng mga hindi kinikilalang grupo sa kanilang lugar.
“Kagaya ng aming chairman, nothing personal with the school. You have produced a lot of great graduates, ‘yung eskwelahan niyo napakagaling. Pero for this particular case, for this particular hearing, for this particular purpose, kailangan ma-establish natin ‘yung facts dito…So tanungin kita ulit, ‘yung ginagawa ninyo na policy that you do not recognize any fraternity in your school campus is… it’s tantamount to saying that wala kaming pakialam sa inyo, mga fraternity. But you know of the existence of these fraternities in the school.”
Sa kaso ni Salilig, sinabi ni Dela Rosa na hindi nagampanan ng Adamson ang doktrina ng loco parentis o legal responsibility bilang magulang ng estudyante habang nasa paaralan. Samantala, nais ng senador na amyendahan ang Republic Act 11053 o Anti-Hazing Act of 2018 upang mapanagot ang mga opisyal ng isang paaralan at iba pang sangkot kapag may nasawi dahil sa hazing.
More Stories
QUIBOLOY NAILIPAT NA SA PASIG CITY JAIL
5 drug suspects, kulong sa higit P400K droga sa Valenzuela
VP SARA, OVP SECURITY CHIEF KINASUHAN