Tuluyan nang lumusot sa Kamara ang House Bill 9349 o Absolute Divorce bill sa botong 126 pabor 109 negative at 20 abstention,
Nakasaad sa panukala ay ang pagtiyak na sasailalim sa judicial process ang divorce petition upang tukuyin kung may sapat na batayan para sa diborsyo.
Magkakaroon naman ng cooling-off period ng 60 araw upang subukang ayusin ang magkabilang panig.
Sakaling magkaayos ang dalawang panig sa gitna ng divorce proceeding ay mababasura ang petisyon matapos mag sumite ng joint manifestation sa korte.
Oras naman na maibaba na ang divorce decree at nagkaayos ang dalawang partido ay mawawalan ng bisa ang divorce decree at maaari silang magsama muli nang hindi na kailangan na magpakasal.
Kabilang naman sa grounds o batayan para sa diborsyo ang grounds para sa legal separation salig sa Article 55 ng Family Code of the Philippines gaya ng:
- Physical violence or grossly abusive conduct directed against the petitioner, a common child, or a child of the petitioner;
- Physical violence or moral pressure to compel the petitioner to change religious or political affiliation;
- Attempt of respondent to corrupt or induce the petitioner, a common child, or a child of the petitioner, to engage in prostitution;
- Final judgment sentencing the respondent to imprisonment of more than 6 years;
- Drug addiction, habitual alcoholism, or chronic gambling;
- Homosexuality of the respondent;
- Contracting by the respondent of a subsequent bigamous marriage;
- Marital infidelity or perversion or having a child with another person other than one’s spouse during the marriage;
- Attempt by the respondent against the life of the petitioner, a common child, or a child of the petitioner; and
- Abandonment of petitioner by respondent without justifiable cause for more than one year
Kasama rin ang grounds para sa annulment of marriage na nakasaad sa Article 45 ng Family Code sa mga maaaring batayan para sa divorce.
Gyundin ay kung limang taon nang hiwalay ang mag-asawa; psychological incapacity salig sa Article 36 ng Family Code; irreconcilable differences; at domestic o marital abuse salig sa Violence Against Women and Their Children Act of 2004.
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
BuCor nagsagawa ng seminar workshop kaugnay sa GCTA