Panahon na para tuldukin ang sitwasyon ng mga guro sa mga pampublikong paaralan kung saan nag-aabono sila para sa pangangailangan ng paaralan alang-alang sa kanilang mga estudyante, ayon kay Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla nitong Miyerkules.
Tiniyak ni Padilla ang kanyang suporta sa mga panukalang batas na magbibigay ng dagdag na benepisyo para sa mga guro, na kanyang pinuri bilang pangalawang magulang mga mga estudyante.
Dagdag ng mambabatas, bukod pa ito sa mga sakripisyo ng mga guro pagdating ng eleksyon.
“Pambihira, napakapambihira naman po niyan. Ang kanilang puhunan sa buhay nila, paggising pa lang niyan nasa isip niyan ang mga estudyante na niya. Bago matulog yan iniisip niyan estudyante niya. Aba, abonohin pa natin? Pambihira naman, napakapambihira na po niyan,” ani Padilla sa pagdinig ng Senate Committee on Civil Service.
“Lahat talaga na balakid, huwag na natin hayaang dumapo pa sa balikat ng ating mga guro,” dagdag niya.
Sa pagsulong ng dagdag na benepisyo para sa mga guro, ipinunto ni Padilla na mismong Saligang Batas natin ang nagsabi na edukasyon ang dapat pinaguukulan ng budget ng gobyerno.
“At ako, buong buo ang suporta sa panukalang ito na di po dapat talaga nag-aabono ang ating mga guro,” aniya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA