December 24, 2024

ABERYA SA SUPLAY NG TUBIG AT PAGSIRIT NG PRESYO NG GASOLINA, SAKIT SA ULO NG MGA PILIPINO

Wala pa nga ang tag-init, mga Cabalen pero paubos na raw ang tubig sa reservoir, ayon sa Maynilad. May mga lugar na sa Metro Manila na sakop ng Maynilad ang nakakaranas na ng pagkawala ng supply ng tubig. Napakalayo pa po ng panahon na talagang iinit ang panahon.

Pero, mukhang ngayon pa lamang ay dadanasin na natin ang El Niño. Ayon sa isang opisyal ng Maynilad, lumalaki raw ang demand sa supply ng tubig.

Kaya, kailangan nilang mag-alternate ng schedule ng water interruption. Tila napakaaga naman po nito. Paano pa kaya kung summer na? panibagong sakit na naman sa ulo natin ito mga Cabalen. Taon-taon naman pong may tag-init.

Bakit naman hindi ito nagagawan ng paraan ng Maynilad? Walang konkretong programa para resolbahan ang pagkatuyo ng reservoir. Nasaan ang preparasyon na dapat na inilalatag ng mga opisyal ng Maynilad?

Ibabato na naman ba sa atin pabalik ang problema? Dapat daw magtipid sa tubig sapagkat kulang ang supply. Ano kayang klaseng katipiran ang gagawin? Upang madugtungan ang pagkukulang ng mga taga -Maynilad.

Walang pagbabago , walang solusyon. Sakripisyo na lamang ang Pinoy habang buhay kahit sapat ang bayad.

PRESYO NG GASOLINA, SUMIRIT, DUSA TALAGA

Ang pagsirit sa presyo ng gasolina ay dusa talaga. Tayong kabilang sa 3rd world country, hilahod na talaga sa hirap. Papaano mo naman kakayanin ang halos 100 pesos na presyo ng gasolina? Ibig sabihin, magtataas ang lahat ng bilihin.

Ang LPG na tiyak magtataas na naman. Nasaan ang LPG-ma partylist na wala namang nagawa para sa mga consumers. Ngayon tumatakbo na naman. Ano ang ginawa ng mga ito sa kongreso? Hindi naman nila naipagtanggol ang mga gumagamit ng LPG. May naitulong ba ang mga ito sa mga consumers?

Nagpapasarap lamang ang karamihan sa mga partylist; na dapat ay representante ng marginalized group. Mga Cabalen, pag-isipan natin ang mga partylist na ating iboboto.Tandaan natin malaki ang pondong inilalagak natin sa mga ito para gampanan ang tungkulin. Ang pondo ay nagmula sa ating mga binabayad na buwis.

ELECTION FEVER SA CALOOCAN

Ang eleksiyon na painit ng painit. Kaya panay ang bukingan ng nakaraan. Sa Caloocan City, ang baho ng mga kandidato ikinakalat na. Kung may addict may rapist na adik pa?

Pero para sa akin paninira ay hindi sapat kung talagang malakas ang dating sa mga botante. Kaya magkaalaman na lamang pagtapos ng eleksiyon. May tatlong distrito ang Caloocan City.

mga nagbabalik at may mga naniningalang pugad pa lamang. Pagtuunan po natin ng pansin ang kanilang pagkatao at kung may maitutulong ba sa mga pangangailangan natin para sa kabuhayan nating mga taga-Cancaloo.