Bumida si rookie guard RJ Abarrientos sa panalo ng FEU Tamaraws sa UST Growling Tigers sa opening ng UAAP season 84. Sinuwag ng Tamaraws ang Tigers, 76-51 sa first game sa MOA Arena.
Kumana ang 5-foot-10 guard ng 18 points, 5 boards at 2 assists. Naglaro si Abarrientos ng 20 minuto. Pero, sulit ang pinagawa saa kanya ni coach Olcen Racela.
“Surprised sa linaro ni Ronjay, hindi,” ani ng FEU mentor.
“I’m sure lahat naman kayo hindi surprised. Alam niyo naman lahat kung ano ang kayang laruin nI Ronjay. Nakita na ng buong Pilipinas yun… He needs to work on a lot of things and he knows that,” aniya.
Malaking bagay ang 29 point lead ng FEU sa first half. Naalagaan nila ito hanggang sa katapusan ng laro. Si RJ ay naging bahagi noon ng Gilas 9.0 sa ilalim ng pagmamando ni Ateneo coach Tab Baldwin.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2