March 23, 2025

Abalos, naghain ng solusyon para mapababa ang kuryente

Isinusulong ni dating Interior secretary at senatorial candidate Atty. Benhur Abalos, Jr. na alisin ang buwis sa petrolyo na direktant ginagamit sa power generation upang mapababa ang presyo ng kuryente, makahikayat ng mga manufacturing firms at lumikhang maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Sa harap ng isang grupo ng mga tagasuporta sa ‘vote-rich’ province ng Cavite, sinabi ni Abalos na ang mataas na presyo ng kuryente ay hadlang sa pagpasok ng mamumuhunan, partikular sa larangan ng manufacturing. Ang Cavite ay tahanan sa humigit-kumulang 55 na economic zones at industrial estates sa ilalim ng PEZA.

Binigyang-diin ni Abalos na ang murang kuryente ay susi sa pagpapalakas ng manufacturing industry.

“Kung aalisin mo ang buwis sa fuel na ginagamit exclusively for power generation, bababa ang presyo ng kuryente. At kapagbumaba ang presyo ng kuryente, papasok ang mgamanufacturing firms — ibig sabihin, trabaho para sa mgaPilipino,” binigyang-diin niya.

“Kung gusto mong dumami ang trabaho, kailangan maramikang factories, marami kang negosyo,” sabi ni Abalos. “Kaya ito ang sinasabi ko noon pang 2005 — tutol ako sa VAT sakuryente,” dagdag niya.

Binanggit ni Abalos na ang singil sa kuryente sa Pilipinas ay kabilang sa pinakamataas sa Asya, na nagiging dahilan upanghindi maging kaakit-akit ang bansa sa mga potensyal namamumuhunan.

“Kung makakalikot natin ito, kung matatanggal natin ang ibangbuwis sa kuryente, malaking bagay ito para sa mgamanufacturing firms na pumasok sa Pilipinas,” dagdag niya.

“Yung excise tax natin sa fuel na ginagamit sa power generation ay malaki rin. Kung tatanggalin natin ang buwis sa fuel purely used for power generation, bababa talaga ang singil sa kuryente,”sabi ni Abalos.

“This was what I stood for when I was a congressman in 2005, and I still stand by it today. We need comprehensive solutions to create jobs and lift more Filipinos out of poverty,” sabi niAbalos.

Binigyang halimbawa ni Abalos ang mga island-provinces na umaasa sa mga diesel-powered generator ay nagbabayad ng mas mataas na singil sa kuryente—nasa pagitan ng P17 hanggangP19 bawat kilowatt-hour—kumpara sa average na halos P11 saMetro Manila.

Nangako si Abalos na magiging tagapagtaguyod ng batas na alisin ang value-added tax (VAT) sa kuryente at mga buwis sa petrolyo na ginagamit lamang para sa paglikha ng kuryente, kung sakaling mahalal sa Senado.

Binigyang-diin din niya na ang mga pagsisikap na pababain ang singgil sa kuryente ay dapat kasabay ng mas malawak na mgareporma upang mapabuti ang business environment, kabilangang digitalization ng mga serbisyo ng gobyerno upang mapadaliang mga proseso ng negosyo.

“Let’s create an environment that’s business-friendly. Digital portals, online applications, mabilis ang processing time. Huliinang mga nanghihingi ng pera. These things go together,” diinniya.

“All of these things go together,” sabi niya. “Sa Senado, may magagawa tayo — we can craft laws and use our oversight function to make this happen.” (DANNY BACOLOD)