Nahaharap sa patong-patong na reklamo ang 50 Chinese national na inaresto ng Makati police nang salakayin ng mga operatiba ang isang ilegal na POGO sa Barangay Pio del Pilar, Makati City.
Ayon sa pulisya, nagkukubli ang condominium sa J. Victor Street bilang tirahan ng mga dayuhan para mapagtakpan ang umano’y pagsusugal doon.
Base sa sumbong ng ang isang concerned citizen ang pagsalakay ng pulisya ang lugar, natimbog ang mga dayuhan, at nakumpiska ang mga kagamitan kabilang ang mga computer.
Dinala na ang mga suspek sa Makati Police headquarters para sa imbestigasyon para sa kaukulang kaso.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA