January 24, 2025

Training ng Philippine SuperLiga, may go signal na ng DoH

Naka-set nang muling mag- training ang Philippine SuperLiga (PSL). Ito ay bilang paghahanda sa muling pagpalo ng laro sa October.

Ayon kay PSL chairman Philip Ella Juico, pormal silang nakatanggap ng go signal para makabalik sa training. Aniya, may basbas na ang DOH tungkol dito.

Sa sulat na ipinadala noong July, inaprubahan ito ni DoH Assistant Secretary Nestor Santiago. Gayunman, may rekomendasyong idinagdag ng DoH sa healthy at safety guidelines na isinumite ng liga.

Sinabi ng DoH na ang gagawing practice ng mga teams ay mag-uumpisa sa ilalim ng GCQ.

Kung saan, 5 players ang papayagan at gagabayan ng 10 skeletal workforce.

Ayon kay Juico, nakakataba ng puso ang pagpayag ng ahensiya. Ito’y dahil sa magiging kauna-unahang women’s volleyball league na nabigyan ng go-signal.

 “I am pleased to inform you that the health and safety protocols that we submitted to the Department of Health had been approved with some recommendations,” wika ni Juico.