Magandang araw sa inyo mga Ka-Sampaguita. Sana’y nasa mabuti po kayong kalagayan.
Ginulat tayo ng paglakas-lakas na ulan. May ilang lugar sa Kamaynilaan ang binaha. Natigil tuloy ang gawain ng ilan dahil sa ulan.
Pati kinainan nating puwesto ng mami ay binaha. Pati na rin ang katabing mga kabahayan nito.
Wrong timing na perfect partner sa malamig na panahon. Sabayan ba naman ng baha!Okay lang na umulan. Huwag lang ‘yung pagkalakas-lakas.
Napansin ko na ang baha ay nagmumula sa bumubulwak na manhole at umaapaw na kanal. Barado pala.
Ang punto natin dito, dapat kumilos pa ang otoridad, lalo na sa mga barangay. Lalo na’t panahon na ng tag-ulan. Banta ng La Niña.
Kung inayos na ang mga baradong kanal, estero at iba pang daluyan ng tubig, muling linisin.
Taasan ang lugar na mabababa, yung mga diretsuhan o basin ng tubig-baha. Mahirap na ang buhay dahil sa pandemya, lalo pang madadagdagan dahil sa baha.
Tinalakay na natin noong nakaraang labas sa pitak na ito ang tungkol dito. Iyun ay tungkol sa paghahnda sa wet season.
Heto na nga, nagpaparamdam na. Mainit, pero bigla na lamang uulan. Sana ay matawagan pansin ang kinauukulan.
Ihanda ang evacuation center at mga gamit dito (kung kinakailangan), relief goods na ayuda, mga bangka at iba pa.
Mas mabuti yung kumikilos kaysa sa magsama-sama ang mga tao sa evacuation dahil nadale sila ng baha. Mahirap ang gayun di po ba? Wala nang social distancing pag ganun.
More Stories
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON
17 BuCor Custodial Inspectors graduate na sa Advanced Training Program
MGA PRODUKTONG GAWA SA BICOL, BENTANG-BENTA SA OKB REGIONAL TRADE & TRAVEL FAIR