November 5, 2024

13th month pay, ipaglaban – KMU

Pinangunahan ni Elmer Labog, pangulo ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang kilos protesta sa harapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Intramuros, Maynila kasama ang Federation of Free Workers (FFW), Pagkakaisa ng Uring Manggagawa (Paggawa) at United Workers upang igiit na protektahan at ipaglaban ang kanilang karapatan na matanggap ang 13th month pay dahil sa planong alisin sa maralitang mga manggagawa sa gitna ng COVID-19. (JHUNE MABANAG)

Nagsagawa ng kilos-protesta ang grupo ng mga manggagawa sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang igiit na protektahan at ipaglaban ang kanilang karapatan na matanggap ang 13th month pay.

Dakong alas-10:30 kaninang umaga, nagtipon-tipon ang mga manggagawa mula sa Kilusang Mayo Uno (KMU), Federation of Free Workers (FFW) at Pagkakaisa ng Uring Manggagawa (Paggawa) sa harapan ng DOLE upang  tuligsain ang panukalang pagpapaliban ng 13th month pay para sa taong 2020.

Una nang inanunsiyo ng DOLE ang planong  ipagpaliban ang 13th month pay  dahil sa krisis sa ekonomiya dulot ng COVID-19 pandemic.

“The workers stress that we have long fought and won the battle to claim our right to wage benefits such as the 13th month pay. When we say it is a right, that means it cannot be taken away from us at the capitalist’s whim,”  ayon kay Elmer “Ka Bong” Labog, KMU chairperson.

Nauna na ring sinabi ng KMU  na responsibilidad ng nasyonal na pamalaan at DOLE na tulungan ang maliliit na negosyo o ‘yung napapabilang sa MSME upang mabayaran ang kanilang mga manggagawa na mas nangangailangan ng benepisyo at seguridad sa gitna ng pandemya.