November 23, 2024

Bilang ng COVID-19 sa bansa, tumaas pa

TUMAAS pa ang bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa matapos na makapagtala ng karagdagang 2,825 na bagong kaso ngayong araw.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), umaabot na sa 329,637 na ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Mula sa  2,825 reported cases,  2,233 (79%) ang naitala sa nagdaaang dalawang linggo mula September 24 hanggang Otober 7,2020.

Muli namang nanguna ang NCR sa may naitalang mga bagong kaso sa nagdaang dalawang linggo na nasa 746 o 33%,Region 4A (627 o 28%)at Region 3 (211 o 9%).

Sa kabila nito, inanunsyo ng DOH na 437 ang bagong recoveries kaya umabot na sa kabuuang 273,723 ang Covid-19 related recoveries.

Samantala,  5,925 na ang bilang ng mga pumanaw sa sakit  kasunod ng bagong 60 pasyente na sumakabilang-buhay dahil sa Covid-19, sa bilang na ito, 26 ang nangyari ngayong October; 20 noong September; 6 noong August; at 8 noong July.

Iniulat  din ng DOH ang 21 duplicates  na inalis sa total case counts kung saan 13 ang recovered cases.

Bukod rito, 14 na kaso pa ang naitalang na-tag bilang recovered case na na-reclassified bilang deaths matapos ang final validation.

Bago maisumite ang datos sa DOH, 12 laboratoyo naman ang bigong makapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS).###