DAHIL sa mga pasaway na foreign vessel o barko, pinaigting ng Bureau of Customs katuwang ang Philippine Coast Guard ang pagbahantay sa mga pantalan at karagatan na saklaw ng teritoryo ng Pilipinas.
Layon nito na makontrol ang pagpasok ng mga kontrabando at mga produktong walang permiso mula sa Bureau at kinauukulang ahensiya ng bansa.
Kaugnay nito, limang foreign vessels of interest o VOIs ang nakitang nag-boarding, gayunman, nakumpirma na sumusunod sa panuntunan at regulasyon ng pamahalaan ang limang foreign vessels na kinabibilangan ng mga sumusunod:
1) MV PASCHALIS
2) MV PITSA D
3) MV DONG YANG
4) MV ZHONG XING MEN
5) MV ETERNAL LUCK
Nabatid na nagkaroon ng deviation sa kanilang paglalayag ang limang foreign vessels dahil nabalam ang schedule, nabalam ang approval ng mga tripulante, port congestion at ang hindi inaasahang pagbabago ng panahon
Pinaliwanag ng BOC na nagiging vessels of interest o VOIs ang mga dayuhang barko dahil sa hindi pagsunod sa orihinal na navigational path katulad nang paglalayag na malayo sa normal nilang operasyon, biglang pagbabago ng destinasyon, pagdidiskarga ng mga kargamento at sadyang pinapatay ang identification system upang hindi ma-detect o matunton.
Dahil dito, nagpatupad ng ibayong paghihigpit ang BOC sa pamamagitan nang pag-renew sa memorandum of agreement o MOA sa PCG na linagdaan noong July 14, 2020, na ang layon mag-bahagi o sharing ng intelligent at joint operations sa maritime areas ng bansa.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE