MATAPOS ang mahabang period ng lockdown, mismong si Presidential Spokesperson Harry Roque ang humikayat sa publiko na magbakasyon at bisitahin ang bagong bukas ng Boracay.
“Ang mensahe po ng Presidente, kinakailangan mabuhay po tayo sa kabila ng COVID-19. Puwede naman po gawin yan sa pamamagitan ng pag-ingat sa ating mga buhay nang tayo po’y maghanapbuhay,” ani ni Roque.
“Panahon na po para tayo naman po ay magbakasyon matapos ang napakatagal na lockdown lalong lalo na sa Metro Manila. Nagaantay na po ang pinakamagandang beach sa buong mundo. Boracay, open for business,” dagdag pa niya.
Kailangan lamang ng mga turista na ipikita ang negative result ng reverse transcription polymerase chain reaction sa loob ng 48 hanggang 72 hours para makapamasyal sa isla.
Ang mga biyahero na 21 hanggang 60 ang edad ang tanging ang papayagan na makabiyahe sa Boracay hangga’t wala silang comorbidity o malalang kondisyon ng kalusugan.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY