BILANG tugon sa ipinadalang sulat ni Mayor Toby Tiangco, pinayagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang rutang Navotas-Divisoria.
Ayon sa naturang alkalde, maaring i-check ng mga mga operator ng nasabing linya ang kanilang pangalan sa www.ltfrb.gov.ph para sa QR code.
“Maaari niyong i-download dito ang QR code at kailangan n’yo itong i-print at idikit/ipaskil sa harap ng inyong mga sasakyan. NO QR CODE, NO PASADA,” ayon kay Tiangco.
Aniya pa na dapat siguraduhing masusunod ang safety measures sa mga jeep tulad ng pagkakaroon ng mga plastic barriers at pagdi-disinfect ng mga sasakyan nito.
“Ang mga drayber na Navoteño, hindi lang sweet lover kundi responsable ring mamamayan na katuwang natin sa laban sa COVID-19,” pagtatapos ng alkalde.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY