November 5, 2024

Naitala sa buong mundo | 1-M BUHAY KINITIL NG COVID-19

MAHIGIT sa 1 milyong katao na ang namatay sa coronavirus na mabilis na kumalat sa buong mundo.

Ayon sa AFP tally gamit ang official sources, umabot sa 1,002,666 ang bilang ng namatay sa naturang sakit mula sa 33,328,000 corovirus cases sa buong mundo.

Nangunguna pa rin ang US sa pinakamaraming death toll na may higit sa 200,000 fatalities na sinundan ng Brazil, India, Mexico at Britain.

Pinadapa ng pandemyang ito ang ekonomiya ng bansa, nagpasiklab ng tensiyon sa kasaysayan ng politika, at tumapos sa milyong-milyong buhay ng mga tao,

Nagsimula ang virus sa China na umabot sa ilang lugar sa India at kagubatan ng Brazil hanggang sa pinakamalaking siyudad na New York sa Amerika.

Pinahinto nito ang sports, live entertainment at international travel ground habang ang fans, audience at turista ay napuwersang manatili sa kanilang tahanan, dahil sa mahigpit na ipinatutupad na mga hakbang ng mga bansa upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Nabawasan lamang ang bilang ng kaso ng COVID 19 nang magsimulang i-lockdown ang mga lugar sa bansa, subalit muli itong dumami nang luwagan ang pahihigpit.

Ayon sa isang truck diver na Italiano na si Carlo Chiodi , kasama sa malagim na bilang ng mga nasawi sa COVID-19 ang kanyang mga magulang, na binawian ng buhay ilang araw lang ang nakalilipas nang magkawalay sila sa isa’t isa.

“What I have a hard time accepting is that I saw my father walking out of the house, getting into the ambulance, and all I could say to him was ‘goodbye,'” ayon kay Chiodi, 50.

“I regret not saying ‘I love you’ and I regret not hugging him. That still hurts me,” maluha-luha niyang sambit sa AFP.

Habang patuloy ang mga dalubahasa sa pananaliksik sa bakuna kontra COVID-19, hirap naman ang mga pamahalaan na balansehin ang sitwasyon: Kung papaano mapipigilan ang mabilis na pagkalat ng sakit at resolbahin ang unti-unting pagbagsak ng ekonomiya at mga negosyo.