UPANG higit na maiwasan ang pagsasagawa ng face to face transaction na bahagi ng protocol upang makaiwas sa paglaganap ng covid-19 pandemic, nagdagdag ang Bureau of Customs ng isa pang lane kung saan idaraan ang mga kargamento upang makita ang laman nito.
Ang bagong color lane, o ang tinatawag na Orange lane, ay bahagi ng Improvement of Risk Management System na itinatakda sa BOC 2020 10-Point Priority Program, Customs Risk Management Steering Committee o CRMSC na saklaw ng Universal Risk Management System o URMS.
Layon ng URMS na mapalakas ang kapabilidad ng ahensiya sa pagtugon sa posibleng panganib mula sa mga dumarating na kargamento.
Sa pamamagitan ng Orange lane, ang mga medium to high risk cargoes, ang mga goods o produktong minarkahan ng orange ay kailangang dumaan sa x-ray scanning at sa oras na makitang kasuspe-suspetsa ang kargamento ay bubuksan upang dumaan sa physical examination.
Una nang naglunsad ng Green, Yellow at Red lanes ang BOC na dito ay inuuri ang mga produktong ipapasok sa bansa.
Ang Red Lane na para sa high risk cargoes ay otomatikong daraan sa x-ray scanning at sa physical examination.
Ang Yellow lane ay para sa mga kargo na minarkahang na low to medium risk na dito ay mga dokumento ang tsinetsek habang ang Green lane ay para sa mga ligtas o low risk lamang.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY