ARESTADO ang limang hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang tatlong naaktuhang sumisinghot ng shabu sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon.
Dakong alas-5:20 ng hapon nang respondehan nina PCpl Regner Tolentino, PCpl Nico Stephen Acebron, PCpl Leonard Acain at PCpl Bienvenido Ducusin Jr, pawang nakatalaga sa Bagong Barrio Sub-Station ang report mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na illegal drug trade sa Waling-Waling St. corner Santan St. Brgy. 149, Bagong Barrio.
Pagdating sa lugar, naaktuhan ng mga pulis si Wilmar Escarez, 31, at Federico Medina, 24, na nag-aabutan umano ng droga at nang kanilang arestuhin ay tumakbo ang mga suspek kaya’t hinabol sila ng mga parak hanggang sa madakip si Escarez at makuhanan ng isang sachet ng shabu.
Nakorner naman si Medina sa loob ng isang bahay sa No. 413 Waling-Waling St. kung saan naaktuhan ng mga pulis sina Wilmer Bagalan, 31, Gerald Salvador, 50, at Allan Jay De Castro, 33, na sumisinghot ng shabu.
Nakumpiska kay Medina ang dalawang sachets ng hinihinalang shabu habang nakuha naman sa tatlong suspek ang tatlong plastic sachets ng shabu at mga drug paraphernalia.
Sasampahan ng pulisya ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek sa Caloocan City Prosecutors Office.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY